Solenn Heussaff on betrayals: 'It's part of the game'

By Ayessa De La Pena, iGMA.TV


Kung may silent players man sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown, malamang ay isa na rito si Solenn Heussaff. Tumatak na sa mga tao ang kanyang motto during the game na “trust no one." Kaya naman isa rin siya sa pinaka-intriguing na castaways this season.

Sa unang tingin marahil ay hindi aakalain ng mga manonood na magtatagal sa Survivor ang isang Solenn Heussaff na sikat na model, entrepreneur, at socialite. As a matter of fact, she was also given the title “Ang Diwata ng Isla" sa show na ito.

But Solenn proved lahat ng impressions sa kanya to be wrong dahil hanggang ngayon ay isa siya sa mga natitirang castaways sa isla.

Ano naman ang expectations niya before joining Survivor? “I knew it would be hard, so I tried to prepare myself mentally more than physically. But I didn’t prepare myself well enough kasi it was harder than I thought. I thought maybe I’d want to quit but I’m here," masayang sagot ng dalaga.


Ngayon ay painit nang painit ang laban dahil nagsisimula nang magkaroon ng alliances kahit sa loob mismo ng isang tribo. Solenn belongs to the tribe Magan na pinamumunuan ni Buhawi Meneses. Ngunit lately ay nagkakaroon na siya ng kasunduan kina Mico Aytona at Elma Muros-Posadas. Sino ba ang kanyang maitututuring na pinaka-close sa isla?

“I would have to say there were a few - five or six. Pero I like Buhawi [Meneses] a lot. We’re really close. Tapos si Mico [Aytona], we got a long well. Akihiro [Sato], almost all the girls, and then [Pretty] Trisza. Everyone!" pahayag niya.

Dagdag pa niya, isa sa mga nami-miss niya ay ang matulog na katabi ang kanyang mga kapwa castaways. “We got used to sleeping next to each other," natatawang sagot ng dalaga. “When I’m at home now, I have to put pillows on all the sides because I need the comfort."

Naging open rin si Solenn sa kanyang motto during the game that she trusted no one, “I’ve been betrayed, but I know it’s part of the game so no hard feelings." Ngunit kumusta naman kaya sila ng mga co-castaways niya after ng Survivor? Naiilang pa rin ba siya sa mga castaways who betrayed her?

“We’re all friends. We all know it’s a game," pagpapaliwanag ni Solenn, “I’m sure some people are not a hundred percent honest now. They’re pretending lang. But on my side, I don’t have any hard feelings on anyone and I’m happy they’re part of the experience."

Patuloy na subaybayan ang diwata ng islang si Solenn sa Survivor Philippines : Celebrity Showdown, weeknights pagkatapos ng 24 Oras.